Tuesday, January 29, 2008

Tabletang Katol

Nakakaasar! Gustung-gusto kong magreview para sa exam ko sa Negotiable Instruments Law pero malamok. Isang litro na yata nasipsip ng mga lintek sa binti ko. Lilipat ako pero para silang mga heat-seeking missiles na kahit saang lungga ako magtago eh nakikita 'ko. Naisip ko tuloy ba't kaya di nalang makaimbento o makaisip ang mga tao ng mga ganitong bagay kontra pesteng lamok:

1. Tableta na gawa sa katol na prescribed by doctors. Pag ininom mo eh fully-protected ka dahil pag sumipsip ang lamok ng dugo mo ay tepok sila.

2 Isang malaking kulambo sakop ang buong 'pinas para di sila makapasok

3. Laslasin ang pulso (salitan ang bawat miyembro ng pamilya) at ipunin sa mangkok ang dugo para dun nalang sila sisipsip.

4. Pasalihin sila sa relihiyong 'di kumakain ng dugo (pasintabi po sa mga relihiyong may ganitong paniniwala...hindi po layunin ng sumulat na manira o mangutya o anupaman).

5. Magbreed nalang ng mga lamok na lalaki at tomboy kasi'y mga babaeng lamok lang naman ang nangangagat.

Hay...ibang klase talaga pag ako ang na-badtrip. Kung anu-ano ang pumapasok sa kukote ko.Pero talagang lintek lang ang walang ganti pag bumagsak ako bukas sa exam. Sukdulang di na 'ko mag-law matupad lang ang mga bagay na nabanggit ko na yan at mga maiisip ko pa 'pag nagkataon.

2 comments:

Anonymous said...

siR aLm mO,khT meju kOrni at meju nKkainiz ang mGa bLog mO... i see the sense inSide(engLisH yN),,, hoPe 1 daY mtupAd LhT nG pinagsasabi mu jAn... hehehe!!!! mwuAh... take my care... tSupP!!!


aLdrin..

Anonymous said...

sir.......
ganyan tlaga ang buhay....
face the reality ang mga mosquito ay part na ng life..
hehehe...
kung walang lamok magugu2m ang mga palaka,butike at gagamba at marami pang ibang living things on the earth..