Thursday, January 17, 2008

nagkukubli sa ngiti ng liwanag

nagkukubli sa ngiti ng liwanag ang mga abo ng kahapon
pinipilit kaligtaan ang sulyap ng nakalipas at pagmulat ng hikbi sa dibdib nitong punyal
marahan, pumapatak, dumadaloy ang dugo mula sa ugat ng panahon
inaasam, ninanasa na makamit ang pagsibol ng mga punlang huling alay

sa aking pagtahak sa konkretong pasilyo ng alab at dalita'y
pumapagkit sa aking mga paa niig ng dugo't lupa.
mainit yaong bunga, pumupunit sa laman ng katawang lupa.

bumibigay na ang isip sa pagpupunyaging giliw
said na ang pag-asa
at lakas'y lumisan na.

"wala na ngang bukas"wika ng kanluraning hangin
at sumang-ayon na rin nga, bagaman pikit-mata,ang huni ng mga alon.

ngunit, ang puso'y may piglas sa kalagayan ng mga bagay
may impit sa kanyang pintig
may bulwak pa sa pagbuga
iniluluwang buong pilit kumpol ng dugong patay
kapara'y lason sa sistema...

(itutuloy...)

No comments: