Nakakaasar! Gustung-gusto kong magreview para sa exam ko sa Negotiable Instruments Law pero malamok. Isang litro na yata nasipsip ng mga lintek sa binti ko. Lilipat ako pero para silang mga heat-seeking missiles na kahit saang lungga ako magtago eh nakikita 'ko. Naisip ko tuloy ba't kaya di nalang makaimbento o makaisip ang mga tao ng mga ganitong bagay kontra pesteng lamok:
1. Tableta na gawa sa katol na prescribed by doctors. Pag ininom mo eh fully-protected ka dahil pag sumipsip ang lamok ng dugo mo ay tepok sila.
2 Isang malaking kulambo sakop ang buong 'pinas para di sila makapasok
3. Laslasin ang pulso (salitan ang bawat miyembro ng pamilya) at ipunin sa mangkok ang dugo para dun nalang sila sisipsip.
4. Pasalihin sila sa relihiyong 'di kumakain ng dugo (pasintabi po sa mga relihiyong may ganitong paniniwala...hindi po layunin ng sumulat na manira o mangutya o anupaman).
5. Magbreed nalang ng mga lamok na lalaki at tomboy kasi'y mga babaeng lamok lang naman ang nangangagat.
Hay...ibang klase talaga pag ako ang na-badtrip. Kung anu-ano ang pumapasok sa kukote ko.Pero talagang lintek lang ang walang ganti pag bumagsak ako bukas sa exam. Sukdulang di na 'ko mag-law matupad lang ang mga bagay na nabanggit ko na yan at mga maiisip ko pa 'pag nagkataon.
Tuesday, January 29, 2008
Isang pag-amin
Hindi ko gawi na maglantad ng aking baraha... Kadalasan pinipili kong maigi ang mga bagay na lalabas sa 'king bibig at mga salitang aking isusulat dahil batid ko kung gaano kapanira ang mga salitang binibitiwan ng basta-basta na lang.
Sa pagitan ng katotohanan at pagmamahal para sa isang kaibigan, ano ang dapat na panindigan? Dapat bang lambungan ng pinagsamahan ang katotohanan o ipagkait sa katotohanan ang liwanag alang-alang sa pagkakaibigan? Ganito ang sitwasyon ng buhay. Kailangang mamimili. Kailangan itakwil ang isa para sa isang bagay na mas mahalaga.
Ganito ang sitwasyon ko ngayon.

Wednesday, January 23, 2008
Boring Magturo
Kahapon, umatend ako ng miting sa DO. Mga ilang oras ang nakalipas dumating si Jerwin, isang schoolmate, isang kaibigan noong ako'y nakikipagbuno pa sa CLSU. Sa pag-uusap namin, nalaman namin na iisa pala ang nararamdaman namin sa aming propesyon bilang titser sa ngayon...Parehas kaming nakararamdam ng pagsasawa sa paulit-ulit naming ginagawa...gising.kain.linis.pasok.pirma.turo.galit.turo.turo.pirma.rekord.basa.tulog.gising.... "Badtrip na 'ko pare,paulit-ulit nalang" sabi namin sa isa't-isa.
Natapos ang miting, pumasok ako sa klase at nagturo.Dipa ko kumakain n'on mga bandang alas-dos na ng hapon. Naupo ako pagkatapos kong ibaba ang bag(sa araw-araw kase na ginawa ni Lord para kong magha-hiking sa kung saan) at isang aklat sa Law. Minasdan ko lang sila...mga estudyante..nag-uusap, nagkakaladyaan, nakaupo, nakatayo, nakalinga sa kung saan, nakatingin sa akin. Ewan ko ba...pero bigla akong napaisip. "Ano kaya kung layasan ko nalang mga 'to? Ano kaya kung tumigil na nga ako sa pagtuturo? Ano kaya kung humanap nalang ako ng trabaho?" "Oo nga...tutal parang wala namang nangyayari sa ginagawa ko." dugtong pa ng isip ko.
Kinagabihan, mga alas-otso, sa klase namin sa Administrative Law.Sisibat na sana muli ang isang ideya sa isip ko ng nag-vibrate ang aking cellphone....
1 message received...isang text mula sa estudyante---
" sir, gud pm po...tnx po talaga sa inyo...sa suporta...sa lahat...kayo po talaga ang nagpapatibay ng loob ko. tnx po uli..tnx po."
Napaisip ako. Hindi yun ang unang pagkakataon na makatanggap ako ng message na ganung tipo, sa katunayan marami-rami na rin nga sila.Pero, ngayon ko lang kasi naramdaman ang pagkabagot sa buhay-titser. Kaya siguro iba ang dating.
Kinaumagahan. Sa pagharap ko sa salamin, napangiti ako sabay nabanggit "sige nakakabagot man pero itutuloy ko pa ring magturo."

Thursday, January 17, 2008
nagkukubli sa ngiti ng liwanag
nagkukubli sa ngiti ng liwanag ang mga abo ng kahapon
pinipilit kaligtaan ang sulyap ng nakalipas at pagmulat ng hikbi sa dibdib nitong punyal
marahan, pumapatak, dumadaloy ang dugo mula sa ugat ng panahon
inaasam, ninanasa na makamit ang pagsibol ng mga punlang huling alay
sa aking pagtahak sa konkretong pasilyo ng alab at dalita'y
pumapagkit sa aking mga paa niig ng dugo't lupa.
mainit yaong bunga, pumupunit sa laman ng katawang lupa.
bumibigay na ang isip sa pagpupunyaging giliw
said na ang pag-asa
at lakas'y lumisan na.
"wala na ngang bukas"wika ng kanluraning hangin
at sumang-ayon na rin nga, bagaman pikit-mata,ang huni ng mga alon.
ngunit, ang puso'y may piglas sa kalagayan ng mga bagay
may impit sa kanyang pintig
may bulwak pa sa pagbuga
iniluluwang buong pilit kumpol ng dugong patay
kapara'y lason sa sistema...
(itutuloy...)

Wednesday, January 16, 2008
The Untamed...The Prehistoric.../published in the Greenleaf
With fast-paced, rapid change in technology, many educators including myself are caught off-guard and tongue-tied, oftentimes. In a world where the web is not just for spiders, where a folder is not just for papers, where mouse doesn't have tail and is merely left alone by cats because in the first place they can't eat it, and surfing means you have to stay at home or in an air-conditioned room...teachers, many teachers are usually regarded as somewhat pre-historic and untamed by the young generation. This is not a joke but a fact of life. And does it not ring a bell?
Once I went to attend a training with a handful of eager teachers. There I met a guy, an old guy--Mr. P_. Wearing well-pressed black trousers and pink polo shirt, Mr P_ went inside the air-conditioned room. He pulled a chair and sat in front of a PC right at the center isle of the training room. He looked around. He saw me and some of the other guys. He smiled at me and I returned the favor. And so the training began and out came the lecturer firing words ala AK-47... to be continued

Tuesday, January 15, 2008
ukol sa masining na duelo ng dalawang higante
Ilang linggo na rin tayong binubuliglig ng mga humpay na palitan ng patudsada ng dalawang higanteng estasyon sa telebisyon--ang abs-cbn at gma7. Sa maghapon kong pagtatrabaho, sa totoo lang, ayoko ng makita pa ang remote control. Simple lang kung bakit. Sawa na ako sa patuloy na paglilinis ng kamay na paulit ulit din namn nilang dinudumihan sa pamamagitan ng pagbabatuhan nila ng putik sa isa't-isa. This battle of words that is raging on between these tv stations has become a big disappointment. I thought our television stations are responsible. I simply thought they are different. I was wrong.
Let me explain my side.
Media is first and foremost a public service rather than a business enterprise. As such, television networks and all other media organizations for that matter have the obligation to serve the public selflessly. It is their duty to uphold what is true and factual not from the perspective of a handful of self-serving interests and think-tanks they call as masters and gatekeepers but from the perspective of sincere and honest reportage. Beyond the call of pockets,therefore, comes the call for the truth--the very reason why people have use for media, in the first place. Sadly, these stations have been feeding the mouths of the masses with their perceived and convenient truth and facts. This, I think, is a mark of decadent mass media system.
From the context of these two rivals, media is no longer "mass media" BUT media for the preservation of pride and gains and the annihilation of an enemy. Perhaps, they are losing sight of the essence of what makes journalism a noble cause to pursue--rendering selfless service to the people and the perpetual obsession for the naked truth.
Their actions present a daring paradox. Previously, they were among those that/who reminded the people not to become willing prey for the glorious supper of a vicious predator they call "trial by publicity". They were fierce and aggressive in this call against it. But now, everything is different. What at stake now is no longer the seat of a president who allegedly plundered from public coffer. What at stake now is the business interest of these two Goliaths. And, still they are fierce and aggressive but not on how to kill "trial by publicity" but on how they can stealthily and cleverly use it to crush and send the other Goliath to the far-reaches of the abyss.
I think one or two official statement/s from each network will be enough to state their respective case. Exhausting all corporate resources to kill the other network is unwarranted, in fact senseless. Stupid and dumb the people are not. We are thinking organisms. You need not feed our mouths with your carefully-phrased words. For God's sake you need not do that. You are insulting us.
Para sa isang karaniwang empleyado at mamamayang tulad ko--korte ang wastong lugar upang magsiwalat at magbunyag ng mga pinaniniwalaan ninyong katotohanan. Yaman din lamang at naihain niyo na ang inyong mga argumento sa hukuman, maari ba..please lang tumigil na kayo. Your actions are devouring the tender minds of the young people. Your publicity gimmicks incite them to think illogically like you do.
Yes, it is but permissible for each network to protect their interests but achieving that at the expense of innocent people is totally uncalled for.
Live up to your creed as journalists.

Subscribe to:
Posts (Atom)