Sunday, February 3, 2013

Sa magandang lalawigan ng Camiguin, minsang nagsilbing elementary teacher si Ginoong Ildefonse**. Katulad ng ibang guro, may mga pagkakataon na tumatawag siya ng pupil sa kanyang silid para ipagawa ang ilang bagay-bagay. Isang araw ng Agosto, inutusan umano ni Ildefonse si AAA** na pumunta sa kanyang silid. Nang makapasok siya sa kwarto, ayon kay AAA, may kinuhang folder si Sir at inilapag ito sa mesa. Pinalapit daw siya ng guro at ng lumapit nga siya ay bigla raw hinawakan ni Sir ang kamay niya, pati na rin ang kanyang dibdib at #$%^&* ito …(oops! censored). Ginawa daw ‘yon ni Sir ng limang beses. Kinasuhan si teacher ng Misconduct ni CSC Regional Director VM, Jr. Samantala, dumipensa si Sir Ildefonse: xxx ”the touching incident happened by accident, just as he was handing AAA a lesson book. He further stated that the incident happened in about two or three seconds, and that the girl left his office without any complaint.” Ayon sa CSC Regional Director, guilty si Sir sa kasong Grave Misconduct dahil ang ginawa daw niya ay violation ng Anti-Sexual Harassment Act. Dahil dito, sinipa siya sa trabaho. Matapos ibasura ng CSC ang Motion for Reconsideration niya, dumulog si Sir sa Court of Appeals. Sa CA, lagpak din ang mga argumentong inihain niya. Bilang huling alas, umapela siya sa Supreme Court at doon buong galang niyang sinabi na hindi raw siya maaaring maparusahan dahil ang charge sa kanya ay Misconduct lamang at hindi Sexual Harassment at Grave Misconduct. Ipinunto niya na kailanman ay hindi maaaring masakop ng mas magaang kaso ang mas mabigat na kaso. Believable kaya sa Korte Suprema ang punto ni Sir Ildefonse? HINDI! “It is clear that petitioner was sufficiently informed of the basis of the charge against him, which was his act of improperly touching one of his students. Thus informed, he defended himself from such charge. The failure to designate the offense specifically and with precision is of no moment in this administrative case.” *hango sa kasong Bacsin v. Wahiman **hindi tunay na pangalan

No comments: