Buti na lang hindi dumating si Atty. Castillo kanina. Pagod na pagod kasi ako at tantsa ko sasaltod ako kung sakaling natuloy nga ang exam sa Nego.
Nakausap ko kanina ng matagal-tagal dalawang kaklase ko. Isang pulis at isang negosyante. Tanong ko sa kaklase kong pulis (sa lahat ng pulis sa totoo lang siya lang yata ang humble at matino)"pre kahirap ng buhay dito sa pinas no?" Oo nga e maliit masyado sweldo swapang pa karaniwang nakaupo...Sa madaling salita medyo umikot dun ang usapan hanggang sa mapunta kami sa usapan tungkol sa tagumpay. Point blank tinanong ko ang kaklase kong negosyante..."pre pano ka ba nagtagumpay?" Tumingin lang siya ng ilang minuto tapos sinabi niya "katuwiran ko lang kasi sa buhay e ganito...BAKIT SILA."
Napaisip ako. Oo nga no? May pitik yung sinabi niya...Bakit sila--Bakit sila nagawa nila bakit ako hinde? Bakit sila nakaya nila, bakit ako kumpleto ang mga paa, kamay, hindi bulag, bingi o may anupamang kapansanan hindi ko kaya?
Minsan din natanong ako ang estudyante ko...Ser, pano niyo nagagawang mapagsabay ang pagtuturo sa tatlong eskuwelahan, pag-aaral ng law at pagiging ama sa pamilya niyo gayong iisa lang naman ang katawan niyo at kaunti lang ang oras? Tumingin lang ako sa kanya tapos sabi ko "Ewan ko kung paano".
Maraming mga bagay dito sa mundo ang talagang mahirap isipin at minsan nga di na nga dapat pag-isipan pa...kailangan na lang gawin bagaman suko na ang katawang lupa.
Kagaya ng katwiran ng kaklase kong--BAKIT SILA--hinahangad ko rin nga na sana may mangyayaring maganda sa katwiran kong--EWAN KO KUNG PAANO. Pero alam mo kung may choice lang ako... sana, sana, sana--
No comments:
Post a Comment