Tuesday, February 12, 2008

Meron akong ibubulong sayo.Lika lapit ka.Konti pa...."#@$%^&*()_(&6%4$%^###" Sabi ko kase lumapit ka ayan tuloy di mo na-gets!

Ang tsismis daw malalala pa sa weapons of mass destruction ni Saddam. Ang tsismis daw kayang hatiin ang dagat katulad ni Moises. Eh panong mangyayari yun e di ba salita lang naman yun! E pano ka naman papatayin ng salita katulad ng weapons of mass destruction ni saddam? O kaya paano magagawa ng salitang papangyarihin ang imposible katulad ni Moises?

Ano ka ba? Tanong ka ng tanong ...

Ang tsismis ay malala pa sa WMD ni Saddam kase:

1. Ang tsismis pumapatay ng dangal na sang-ayon sa karamihan ay mas mahalaga pa sa buhay na kaya namang wasakin ng WMD's.
2. Ang isang tsismis pag pinasabog kayang kumalat sa isang iglap sa buong mundo; ang WMD's sa isang lugar lang ang perwisyo.
3. Ang tsismis pag lumala pwedeng maging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa. Ang WMD's hinde!
4. Ang kaalaman mo tungkol sa isang tsismis ikinakalat. Ang WMD's hinde!
5. Pag ikaw ang natsismis matagalan ang sakit at para kang naglalakad na walang ulo. Pag tinamaan ka ng WMD isang sakit lang wala lahat pati katawan.
6. Ang tsismis ginagawa din ng mga matitino. Ang WMD hinde!
7. Ang tsismis ginagawa kahit saan sa simbahan man o eskwelahan. Ang WMD hindi ule!
8. Ang tsismis ginagawa mo-ko-natin. Ang WMD hindi...malay ba nating gumawa nun.
9. Ang tsismis kayang magpaanak ng nagtanan pa lang. Ang WMD hinde.

Marami pa sana akong sasabihin kaso baka i-tsismis mo na ko eh. Kaya hanggang diyan nalang muna. Tandaan lang natin mga "kabaggis" (kapatid sa Tagalog) ang tanong na 'to sa tuwing mangangati ang dila natin at gusto nating i-kwento ang buhay ni KWAN kay ANO...Sasaya ka ba kung ikaw naman ang pagtsitsismisan? Kung hindi, 'WAG. Kung oo, GO!

Lika konti pa. May ibubulong ako sa'yo.

No comments: