Sunday, February 3, 2008

Imbiyerna

Sabi ko na nga ba dapat 'di nalang sana ako nanood ng Marimar. Kaimbiyernang sobra.

Biruin mo puring-puri ko pa naman ang direktor kasi at least na di pinagmumukhang tanga ang mga tao kasi ba naman sa unang pagkakaton sana e may bida sa pinoy telenovela na hindi engot. Biruin mo sa maikling panahon nakapaghiganti siya ng sobra. At sobrang saya ako noon hindi dahil fan ako ni Marimar o Sergio o ng isang kinopyang palabas. Masayang masaya ako kase sa wakas nakalabas na sa kahon ang soap operang pinoy! Sabi ko grabe ok 'to kasi di na stereotypical ang dating kung saan lagi nalang tanga ang mga bida. Pero ayun nga nagkamali uli ako. Ngayon ayan naman ang bidang si Marimar na lula at utuin....

Naisip ko tuloy ganyan talaga siguro ang mundo. Sabi nga ni Naomi sa Matrix nung tinanong siya ni Morpheus "some things change some things don't." At sa kaso ng pinoy soap opera hindi na nga siguro mababago ang stereotype na bida---sampalin, tadyakin, utuin at engot. Naisip ko rin na talaga sigurong may mga bagay na di na mabubura sa isip at gawi nating mga pinoy. Kapag pulis, buwaya. Kapag inglisera, magaling. Kapag titser, may salamin. Pag pari, mabait. Pag Atenista, sosyal. Pag UP, radikal at pag presidente, madaya!

Pero 'di ba kayo nababato sa ganun? Di ba tayo nasusuya sa paulit-ulit na parang kapalaran na ngang matatawag na mga bagay na katulad ng mga bida at kontra-bida sa mga teleserye at telenovela?

Ako kasi bagot na!

Sana makakita ako ng telenovela na--- bidang lasenggero't matalino na konting kanti lang ng kontrabida e ubusan na ng lahi ang labanan; pulis na di abusado na laging nandiyan pag kailangan; bangkong nagpapautang sa super babang interes; mga pulitikong honest at sincere sa mga pangako nila; mga estudyanteng magalang at titser na di na kailangang magtinda ng tocino at rumaket sa xerox para mapagkasya ang kita; at mga mayayamang kumakalinga sa mahihirap at mga mahihirap na di tamad at talagang nagsusumikap.

Gusto ko na ng ibang telenovela!

1 comment:

Anonymous said...

the most wonderful blog I've ever read.............................


hi! Sir

your "former" student