Friday, July 25, 2008

Rule of Law

"For as in absolute governments the king is law, so in free countries the law ought to be king; and there ought to be no other."--Thomas Paine, Common Sense(1776)

Ano ba ang rule of law?

Ang rule of law bilang doktrina ng sibilisadong komunidad ay ang pangingibabaw ng batas na iniluwal mismo ng mga taong bahagi ng isang komunidad upang walang sinuman,maging tao o mga grupo ng tao ang maaring magdidikta ng mga panuntunan o aksyon sang-ayon lamang sa mga konsiderasyong pansarili, kapritso, at kaginhawahan o praktikalidad. Ito ang pagpapatakbo ng gobyerno o organisasyon sang-ayon LAMANG sa nakasulat at itinadhanang mga batas sa pamamagitan ng pagsunod o pagtalima sa due process. Ang rule of law ang siyang proteksiyon ng mga miyembro ng organisasyon o mamamayan ng isang bansa laban sa anarkiya o diktadurya.

Ano naman ang rule of men?

Bilang isang doktrina, ang rule of men ay tahasang taliwas sa adhikain ng mga taong nagsusulong ng doktrina ng rule of law. Ang doktrinang rule of men ay isang klase ng pamumuno kung saan ang pagpapatakbo ng pamahalaan ay nakasalig lamang sa kapritso at pagnanais, makatwiran man o hindi, ng mga nasa puder ng kapangyarihan. Ito ang doktrinang pinagmumulan ng isang gobyernong arbitrary at may mahinang tindig sa usapin ng due process.

Ano ba talaga ang maganda--"KING is LAW o LAW is KING na paniniwala?

Para sa may pang-unawa at may lubos na pagmamahal sa moralidad, kaayusan at kasaganaan...hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong na 'yan.

2 comments:

Anonymous said...

ano nga sir talaga ang mahalaga sa dalawa?

The Free Soul said...

Rule of Law...that's the only protection of common citizens against the mob. That is our guarantee that in the eyes of law we are equal.