Monday, October 19, 2009

Hay Naku

Hay..para akong nauupos na kandila pag naiisip ko na malapit na kong sukatin sa susunod na Setyembre. Nakaka excite, nakakakaba, nakakatakot...grabeng mixed emotions talaga. Sabi ng iba mahaba pa naman daw ang panahon, roughly 11 months pa, pero sabi ko "hindi nila alam ang sinasabi nila". Sa nakasubok na...11 months is in fact almost no time to prepare na. Sa 11 months, halos reviewers nalang ang mababasa mo. Ito ang realidad sa nalalapit na pagharap ko sa eksamen sa La Salle-Taft. Bilang guro sa umaga at estudyante sa gabi, mula simula (at palagay ko ) hanggang sa huli, tanggap ko ang katotohanan na mas marami sigurong nabasa kaysa akin ang mga full-time. Siguro mas matibay nga ang pundasyon nila. Siguro mas handa nga sila. Pero, malakas pa rin ang loob ko...i'll fight it out until the last drop of my strength....bahala na si Bro sa akin.